Radio station sa Occidental Mindoro sinunog

SINUNOG ng hindi pa nakilalang grupo ang gusali ng isang radio station sa Occidental Mindoro kanina.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa DZVT Radio station sa Labangan Poblacion, San Jose, Occidental Mindoro.

Tumagal ng tatlong oras bago idineklarang kontrolado ang sunog bandang alas-4:00 ng madaling-araw.

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente subalit umabot sa P2.8 million ang halaga ng pinsala.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at ang mga nasa likod ng insidente. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply