Rain Or Shine patatahimikin ng Tropang Texters

PIPIGILIN ng Tropang Texters ang pananalasa ng Rain Or Shine Elasto Painters sa paghaharap nila bukas (Oktubre 14) sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ng Elasto Painters ang dalawang panalo — kontra Barangay Ginebra, 94-93 at sa Powerade Tigers, 96-93 samantalang ang Talk N’ Text ay may isang panalo sa una nilang pagsalang kontra Meralco Bolts sa iskor na 96-80 noong Oktubre 10 game.

Tulad ng Talk N’ Text, ambisyon din ng wala pang panalong Barako Bull na kunin ang kanilang unang pagwawagi kontra sa paboritong Barangay Ginebra (1-1) sa main game ng double-header offering ng PBA Philippine Cup.

Isinadlak ng M-Bolts sa 0-2 record ang Shopinas.com Clickers sa iskor na 79-72 habang nilupig ni coach Tim Cone-mentored ang dati niyang team na Alaska Aces, 81-75 para sa ikalawang pagkatalo ng dati niyang koponan sa kabila ng pag-asa ng Aces fans kabilang ang kanilang team owner Wilfred Uytengsu na sumaksi sa laro.

Naghabol pa sa unang bahagi ng laro ang players ng Aces nang pumutok si Josh Urbiztondo ng kanyang mga 3-pointers at nagtotal ng 12 na kasunod sa 20 points ni highest-pointer at dating most valuable player na si James Yap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply