Rally ikinasa vs demolisyon sa Quezon City

DAAN-DAANG miyembro ng militanteng grupo at residente ang nag-rally sa loob mismo ng Quezon City Hall ngayong araw upang kondenahin ang pagde-demolish sa informal settlers sa ilang bahagi ng lungsod.

Pinangunahan ng grupo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang naturang kilos-protesta kasama ang mga residente na maaapektuhan ng C5 Road Project sa Barangay Balara at National Government Center.

Inaaasahang 100,000 pamilya ang maapektuhan sa Barangay Payatas, Commonwealth, Batasan at Holy Spirit ng naturang proyekto.

Nabatid na dumaan sa iba’t ibang lusutan ang mga residente at hindi sila sabay-sabay na pumasok sa city hall dahilan para malusob nila ang buong compound.

Nagkatulakan at pinagkukumpiska naman ng mga guwardya ang mga dalang placard at megaphone ng mga nagra-rally at pilit na pinatigil sa kanilang mga protesta.

Giit ng mga raliyista, dapat harapin sila mismo ni Mayor Herbert Bautista kahit nakipag-usap na sa kanila ang kinatawan ng Urban Public Affairs Office ng city hall.

Napalayas ang mga nagpo-protesta sa munispyo ngunit tuloy ang protesta sa National Housing Authority (NHA) malapit sa munisipyo kung saan magtatayo ang mga nagpoprotesta ng mga kubol.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply