‘Ramon’ tuluyan nang nalusaw

TULUYAN nang nalusaw ang Low Pressure Area na pingalanang “Ramon” ayon kay DOST Undersecretary Graciano Yumul sa isang panayam sa DZBB.

Ayon kay Yumul, magiging maganda ang panahon sa bansa hanggang sa darating na Biyernes.

Inaasahan din ang kalat-kalat na pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa Inter-Tropical Convergence Zone.

Habang ang mga lugar na binaha ng dalawang nagdaang bagyo ay makararanas na maaliwalas na kalangitan sa umaga at kaunting pag-ulan naman dakong hapon at gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply