Rapist, killers ng dalaga sa Caloocan natiklo

NADAKIP na ang dalawang nangholdap, gumahasa at pumatay sa dalaga habang pinaghahanap ang isa pa sa Caloocan City, Martes ng madaling-araw, Oktubre 11.

Kinilala ang mga suspek na sina Eric Macaraan, 18, at look-out na si Jason Pillago, 16, kapwa ng Kiko, Camarin habang pinaghahanap pa si Erro Allid ng Vanguard Camarin.

Sa ulat, noong Oktubre 4, 2011, alas-8 ng gabi, unang hinoldap ng mga suspek si Jerry Manioto, 20, sa Jasmin st., Vanguard, Camarin at dinala sa madamong bahagi ng lugar.

Iginapos si Manioto, hinubaran bago kinuha ang mga pera, alahas at cellphone at saka iniwan.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang mga suspek bitbit na si Jee-Ann De Guzman, 20, ng Vanguard at empleyada ng UP Hotel sa Diliman, Quezon City.

Inihiga sa damuhan ang dalaga at hinalay hanggang sa may marinig na mga nagdadaan na naging dahilan upang sakalin ang biktima.

Agad na nagsitakas ang mga suspek na sinamantala ni Manioto na kalagin ang pagkakagapos bago nagsadya sa mga pulis.

Nang balikan ang biktima ay nakitang patay na ito habang nakagapos ang mga kamay at walang saplot sa katawan.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip sina Macaraan at Pillago sa Plaridel at Obando, kapwa sa Bulacan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply