RATS suspendido ng 90 araw

SUSPENDIDO ng 90 araw ang grupo ng Bureau of Customs na Run After The Smugglers (RATS) bunsod ng reklamo ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng kumpanyang Sanyo Seiki Stainless Steel.

Ipinalabas ng Malacanang ang suspensyon laban kay Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez at pito sa kanyang mga tauhan dahil sa “bigat ng mga akusasyon at pagkakaroon ng prima facie evidence laban sa mga ito kung saan ay malamang na nagkasala ang mga inakusahan,na humuhingi ng pagkakatanggal ng mga inakusahan na matanggal sa serbisyo,” ayon sa pormal na reklamo na pinirmahan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.

Ang mga miyembro ng RATS team na sinuspinde ay sina Atty. Christopher Dy Buco at mga operatiba na sina Edgar Quinones, Francisco Fernandez Jr., Alfredo Adao, Jose Elmer Velarde, Thomas Patric Relucio at Jim Erick Acosta.

Nagbunsod ang mga reklamo laban kay Chavez at mga tauhan nito sa mga pagsalakay na isinagawa ng RATS sa mga bodega ng Sanyo Seiki sa Caloocan City noong Hulyo 1, at sa Metcauayan City sa Bulacan noong Hulyo 4 at ang pag-impound ng mga trak ng kumpanya at mga panindang produkto na pag-aari ng Sanyo Seiki noong Hulyo 9.

Isinagawa ang mga pagsalakay diumano hawak ang mga depektibong mission orders samantalang ang mga impounding sa mga trak ay ginawa kahit walang warrant of seizure and detention. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply