Re-routing ng trapiko sa Undas inilatag na rin

INILATAG na rin ng Manila Police District (MPD) Traffic ang re-routing plan ng trapiko para sa darating na Undas.

Ayon kay MPD Traffic Chief Reynaldo Nava, isasara mula ala-sais ng umaga ng Oktubre 31 hanggang hatinggabi ng Nobyembre 1 ang mga sumusunod na kalsada:

  • Aurora Boulevard: Dimasalang – Rizal Avenue
  • Blumentritt: A.Bonifacio – P. Guevarra
  • Dimasalang: Makiling Street – Blumentritt
  • Retiro: Dimasalang – Blumentritt Extension
  • P.Guevarra: Cavite Street – Pampanga Street
  • Leonor Rivera: Cavite Street – Aurora Boulevard

Ipinababawal naman sa lahat ng sasakyan ang pumarada sa mga lugar na itinalagang “No Parking” zone at bantang hihilahin ang sasakyan sa Retiro, Blumentritt, A. Bonifacio hanggang Laong Laan at Dimasalang, Dos Castillas, Don Quijote, Maria Clara, Carola at Aragon.

Samantala, itatalaga naman ang mga tauhan ng MPD Traffic at Makati Public Safety Assistance (MAPSA) Group mula sa P. Ocampo Extension hanggang gate ng South Cemetery sa Makati City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply