Rebeldeng napatay pinaniniwalaang kumander ng NPA

MALAKI ang paniniwala ng military na kumander  ng New People’s Army (NPA) ang napatay na rebelde sa nangyaring engkwentro sa Sitio Tapol, Datal Bukay, Glan, Sarangani Province.

Ayon  kay Lt. Colonel Adolfo Espuelas, hepe ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army, kinilala ang napatay na si Kumander Mike o Jay Ar.

Samantala, binawian naman ng buhay si Pfc. Bienvinido Celebrar, 23, residente ng Parang, Maguindanao na miyembro ng Alpha Company ng 73rd IB.

Nakuha sa NPA ang hi-tech equipments na radio scanner, ICOM-VHF handheld radio, solar charger with battery na kadalasang mga kumander lang ng NPA ang may hawak.

Mahigit sa 60 miyembro ng Front Committee 71 ng Far South Mindanao sa pangunguna ng isang Kumander Yoyong ang nakaengkuwentro ng mga sundalo.

Nagpapatuloy ngayon ang inilunsad na hot pursuit operation.

Sa naturang engkuwentro, mahigit sa 21 pamilya na residente ng Tabayon at Malalan sa Jose Abad Santos sa boundary ng Glan, Sarangani province ang nagsilikas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply