Recto duda sa motibo sa Chacha

NAGDUDUDA si Sen. Ralph Recto sa panukalang amiyendahan ang Saligang Batas partikkular ang probisyong pang-ekonomiya dahil wala umanong katiyakan na papasok ang dayuhang pamuhunan sakaling magkaroon ng pagbabago sa Konstitusiyon.

Ayon kay Recto, nagsilbing NEDA chief noong administrasyong Arroyo, walang katotohanan ang ipinangangalandakan ng mga pro-charter change na mambabatas na babaha ang mga investor sa bansa kapag inamiyendahan ang economic provision ng Konstitusyon, tulad ng pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhang mamumuhunan.

“Hindi solusyon sa economic problems natin. Kapag inamiyendahan mo ba ang Konstitusyon hindi na ba magkaka-underspending? Will that create more investment? Not necessarily!” pagdidiin ni Recto.

Aniya, imbes na ginhawa, baka sakit ng ulo lamang ang makuha ng administrasyong Aquino sa chacha dahil napakalaki ng implikasyon sa ating lipunan ang pagbibigay ng lupain sa mga banyaga.

Imbes na amiyendahan ang Konstitusyon, sinabi ni Recto na ang dapat amiyendahan na lamang ng ibang mambabatas ay ang Foreign Investment Act upang sa gayon ay matulungan ang mga investor sa pamumuhunan sa ating bansa.

Itinulak nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Franklin Drilon ang chacha sa pamamagitan ng bicameral constituent assembly upang maamyendahan

ang economic provision ng Konstitusyon.

Tiwala naman si Recto na hindi uusad ang chacha sa dalawang kapulungan ng Kongreso hangga’t hindi nagbibigay ng go-signal si Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply