Red Cubs tinuhog ang 18-game panalo

TINUHOG ng San Beda Red Cubs ang 18 malinis na panalo sa double round elimination ng 87th NCAA high school basketball tournament sa The Arena, San Juan City kahapon (Oktubre 12).

Pinasadsad ng Red Cubs ang San Sebastian Staglets sa kanilang ika-10 pagkatalo kontra 8 panalo para sa pagtapos bilang pang-6 sa 10-team composition ng high school league ng NCAA.

Maghihintay pa ang team ng Mendiola ng ginagabayan ni coach Britt Reroma sa makakaharap nila tangan ang awtomatikong insentibo na one win sa best-of-five finals ng step-ladder na paglalabanan ng Letran Squires (14-4), La Salle Greenhills (13-5) at Emilio Aguinaldo Juniors.

Puntirya ngayon ng Red Cubs na masungkit ang kampeonato para maunahan ang Mapua Red Robins na kapwa tangan ang 18 korona. Ang Mapua Red Robins din ang bumigo sa pagkuha ng sweep ng Red Cubs noong nagdaang torneo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply