Red jersey nahubad kay Calderon

SUMIKAD mula sa No. 5 posisyon ng team standings si Santy Barnachea ng East Pangasinan team na nagresulta sa pagkakahubad ng red jersey ng 6-day leader na si Joel Calderon sa 12-stage LBC Ronda Pilipinas.

Ipinadyak ng 25-anyos na si Barnachea ang tiyempong 4:57:19 tungo sa panalo sa 181.4 kilometrong 9th lap. Tuluyang nabalasa ang individual standings nang makarating si Barnachea sa finish line na ika-apat na sinusundan sina lap winner Tomas Martinez, Daniel Asto at McQueen Alionar ng Cycleline Extreme-Butuan City na nagtiyempo ng 4:56:57.5 at 4:57:66.5, ayon sa pagkakasunod.

Bubunuin ni Barnachea ang nalalabing tatlong stages simula sa 46.4 kilometrong Agoo, La Union-Baguio stage 10 via Aspiras Highway na tangan ang 7 minutong kalamangan sa sorpresang sumegundong si McQueen Aliomar na tangan ang total time aggregate na 30:33:00 na sinusundan ni Calderon (30:36:11).

Nalaglag naman si George Oconer sa pang-apat na pwesto na sinusundan ni American Vinyl skipper na si Cris Joven (30:37:40), 7-Eleven skipper Lloyd Lucien Reynante (30:37:58), Martinez (30:38:07), Baler Ravina ng Eastern Pangasinan (30:38:12), Rudy Roque ng American Vinyl (30:38:49), at National Capital Region bet Frederick Feliciano (30:39:16).

Ang dating nasa top 3 standings na si Irish Valenzuela ng 7-Eleven ay bumagsak sa ika-23 posisyon na humihingal na pumasok sa finish line ng pang-55 pwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply