Red Lions vs No. 4 Heavy Bombers bukas sa NCAA semifinal

MAGHAHARAP ang top team na San Beda at ang No. 4 Jose Rizal Heavy Bombers habang ang San Juan de Letran Knights ang bubunuin ng San Sebastian Stags, bukas, Oktubre 17 sa The Arena, San Juan City.

Maganda ang magiging laro ng semifinals dahil ang Stags ay tinalo ng Knights, 81-82 sa overtime game noong isang Linggo samantalang ang Red Lions ay naalisan ng pangil ng Heavy Bombers ni coach Vergel Meneses, 65-76 noong Agosto 14.

Nagpahayag ng agam-agam si Red Lions coach Frankie Lim sa kanyang tropa dahil alam ng Jose Rizal Heavy Bombers kung paano sila tatalunin at maging ang Letran Knights ay kapa rin ang plays ng Stags ni coach Topex Robinson na kanila na ring tinalo noong second round ng eliminations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply