Red Lions vs Stags sa best-of-3 NCAA Finals

ANG No. 1 at No. 2 collegiate team ng NCAA basketball league na San Beda at San Sebastian ang maghaharap sa kampeonato sa Smart Araneta Coliseum sa Lunes.

Unang nakapasok sa title showdown ang koponan ni coach Frankie Lim na sa kabila na tangan ang twice-to-beat bonus ay pinalagapak sa unang salpukan ang team ni coach Vergel Meneses na Jose Rizal Heavy Bombers 83-84 habang nakabangon ang San Sebastian Stags na minamandohan ni ex-PBA veteran na si Topex Robinson na kinailangan dumaan sa do-or-die game laban sa San Juan de Letran Knights, 63-56, matapos una silang lupigin sa score na 62-70 noong Lunes.

Sa pagkakapanalo ng Stags naitala ni Calvin Abueva ang kanyang record na pang-18 double-double sa kasalukuyang season sa pamamagitan ng 20 points at 18 boards na tinatampukan ng isang importanteng tip-in sa huling 1:55 ng laro na nagpatahimik sa naghahabol na Knights.

Sasandal ang Stags kina Calvin Abueva, Ian Sangalang at Ronald Pascual na nagtala ng pinagsamang 46 puntos sa paglalaglag sa Letran Knights.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply