Regine Velasquez mas gusto ang ‘hiwa’ kaysa sa normal delivery

NAKA-SKED na ang panganganak ni Regine Velasquez sa buwan ng Nobyembre at hindi naman ito nakapagtataka kung ikaw ay magde-deliver thru ceasarian procedure, alam mo ang araw at pati oras.

‘Kaw na, ang maging well-loved couple sa showbiz! Sa kaso ng couple ay hindi na nila kailangan mag-shopping ng gamit ng kanilang baby dahil madalas bigyan si Regine ng shower party ng kanyang mga amiga, hence, bawat isa ay may kanya-kanyang bitbit na regalo.

Inamin ng Songbird na naiinip na siya sa paghihintay ng kanyang panganganak kaya naman madalas siyang nagmo-malling kasama si Ogie.

“Wala akong magawa eh. Pero I’m advised naman to walk around. Pero ngayon, hirap na akong maglakad eh.”

Aside from this, never to be missed ang Songbird sa anumang event ng kanyang hubby particularly, ang OPM Perfume launch ng Bench na ginanap noong Biyernes ng gabi sa Main Atrium ng Mall of Asia.

True to her words, nami-miss niya ng sobra ang pagkanta at kitang-kita naman na sinasabayan nito si Ogie sa pagkanta. Tulad din ng pagsabay nito sa pag-clap ng hands to the tune of the songs.

Napag-alaman namin na wala silang balak mag-asawa na magpagawa ng nursery room dahil gusto nilang kasama sa kanilang bedroom ang baby.

Gusto din niyang magpa-breast feed at wala silang kukunin na “yaya” dahil gusto nilang kasama sa “formative years” ng kanilang baby.

Thru ultra sound, alam na nila na baby boy ang kanilang magiging anak kaya Nathaniel James ang napili nilang name.

Unang baby boy ito kay Ogie dahil ang mga naunang anak nito kay Michelle Van Emerien ay puro babae. Kaya naman dagdag excitement sa couple na tatlo na sila ngayong Kapaskuhan.

One thing na sobrang ‘cherish’ ng Songbird sa kanyang months of absence sa showbiz ay sobrang pahinga nito sa trabaho.

“Of course, I missed working, I missed singing, I missed performing but at the same time, I also like the rest that I am getting now. Kasi I realized, since I started, I really never rested in my all 25 years. So, it’s only now that I am enjoying my rest.”

Speaking of perfume, gustung-gusto nito ang dalawang pabango na ini-endorso ni Ogie for Bench, ang OPM Perfume na may dalawang scent mula sa Grassie, France.

Ang OPM Gold ay puwedeng pang-araw-araw na gamit dahil pang-casual ang dating. Ang OPM Platinum naman, medyo pang-sosyal na mas gugustuhin mong gamitin on special occassion.

Medyo nagpatawa ang mang-aawit sa kanyang adlib dahil ang OPM stands for Ogie Pogi Mabango or Ogie’s Personal Musk.

Bilang pangulo ng OPM, ang benta ng OPM Gold ay mapupunta sa kanilang fund para magamit sa kanilang mga proyekto tulad ng pagtulong sa mga musikero na hindi na nakapagtatrabaho dahil sa karamdaman.

And speaking of OPM, ang pangalan ng kanyang ini-endorsong pabango mula sa Bench, lahat ng kanyang kinanta sa kanyang perfume launch ay puro OPM songs.

***

Carlos Agassi coming out from the closet

BIG deal ang ginawang pag-amin nina Carlos Agassi, DJ Durano and hold your breath, Manoy himself, the great veteran actor Eddie Garcia, na umamin din na dumaan din sa kamay ng bading. Naganap ito sa presscon ng “Praybeyt Benjamin” recently sa Dolphy Theater.

As what Garcia said, “Nothing to lose, enjoy every minute of it. It’s a part of growing up, just enjoy life.”

Kaya naman nag-come-out si DJ na nagsabing nag-enjoy naman siya sa kanilang relationship lalo na’t mabait sa kanya ang kanyang gay lover.

On Carlos, isn’t it too late to make an amend to the issue?  “Anong gagawin ko, ibo-broadcast sa buong mundo eh, wala namang nagtatanong!

Hinihintay ko lang naman na may magtanong eh, wala naman nagtanong, kanino sasabihin?”

Oo nga naman, may punto!

Inamin nitong mahigit sa isang taon ang kanilang relasyon ng kanyang gay lover. It was ‘not an extraordinary’ relationship dahil they treat each other like brothers but there is that feeling beyond friendship.

Ang clue na kanyang ibinigay ay taga-fashion world daw ang bading. “Kapag fashion world ay katulad din yan ng showbiz world?” tanong nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply