Regional director ng Caraga tinambangan

TINAMBANGAN ng rebeldeng New People’s Army ang convoy ni Caraga Regional Director Reynaldo Rafal sa kahabaan ng Baranagay Baganga, Kitcharao, Agusan del Norte.

Kinumprima ni Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga Police ang nasabing insidente at ibinalitang ligtas naman ang grupo ni Rafal.

Ayon sa ulat, galing sa Butuan City at patungo sa Claver, Surigao Del Norte ang grupo ni Rafal upang i-supervise ang pagsalakay ng NPA sa Taganito Mining Company sa Barangay Taganito sa Claver, Surigao del Norte kung saan tatlong security guard ng kompanya ang namatay at tatlong manager ng kompanya ang binihag.

Patuloy pa rin ang hot pursuit operations ng mga awtoridad sa grupo ng mga rebelde upang mailigtas ang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply