Registration para sa OAV simula na

SIMULA na ngayong araw ang registration para sa overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, tatagal ang registration para sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat ng isang taon o hangaang sa Oktubre 31, 2012.

Sinabi  pa ni Brillantes, target nilang itaas ang voters registration ng overseas Filipino workers (OFW) para magamit ang kanilang karapatan sa pagpili ng mamumuno sa bansa.

Samantala, tinatayang nasa mahigit 2,000 OFW ang tinanggal na sa voter’s list dahil sa kabiguan ng mga ito na bumoto sa nakalipas na national at local elections. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply