Rehabilitasyon ng MRT, LRT ikinasa na– DOTC

INIHAYAG ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ikinasa na nila ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ayon kay Transportation Secretary Mar Roxas, naglaan na ang kagawaran P6 bilyon para sa pagsasaayos ng dalawang mass transport system.

Sinabi ng kalihim na bahagi ito sa P72-bilyon fiscal pump-priming ng administrasyong Aquino para maibsan ang epekto ng krisis sa pananalapi sa Europa.

Aniya, makatutulong ng malaki ang nabanggit na proyekto para mabawasan ang kahirapan ng mamamayan.

“President Aquino, in his dialogues with President Obama and China President Hu Jintao as well as international business leaders mid this year, began to sense the turbulence in the world’s financial market, and so he directed his economic team on a stimulus package,” ani  Roxas.

Binanggit din ni Roxas na plano ng ahensya na bumili ng bagong tren para mapabilis ang serbisyo sa lumalaking bilang ng pasahero sa nasabing mass transport.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply