Rep. Jules Ledesma nagbago na – Belmonte

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay pinuri ng liderato ng Kamara si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma.

Binanggit ni House Speaker Feliciano Belmonte sa kanyang press conference na malaki na aniya ang ipinagbago ni Ledesma kung ikukumpara sa mga nagdaang Kongreso.

Ayon kay Belmonte, hindi tulad noon, nakikibahagi at sumasalang na si Ledesma sa interpelasyon.

Nitong nakalipas na araw din ay nag-privilege speech ang kongresista, gayunman ay hindi raw ito naabutan ng mga media dahil medyo late na at walang abiso.

Bukod dito, madalas na raw present si Ledesma, kumpara noon na nanguna pa siya sa mga kongresistang laging absent.

Matatandaang umani ng batikos noon si Ledesma dahil sa hindi nito pagpasok sa Batasan at hindi pagdalo sa mga sesyon.

Ang pagiging “absenero” nito sa sesyon ang nagging ugat ng pagkalat ng mga balitang may sakit daw ito habang may nagsasabing “tamad lang” ang kongresista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply