Residente ng West Tower kakasuhan ang FPIC

MAGSASAMPA ng serye ng mga kaukulang kaso ang mga residente ng West Tower condominium at mga residente ng Bangkal, Makati laban sa First Phillippine Industrial Corporation (FPIC) dahil sa pagtatapon umano ng toxic waste sa mismong drainage at estero sa kanilang lugar na umabot ang epekto sa lungsod ng Pasay at Parañaque.

Sinabi ni Atty. Lorna Capunan, legal counsel ng mga complainant, na labag sa batas ang ikinasang pagtatapon ng kontamindong tubig o toxic waste ng FPIC na pag-aari ng Lopez Group of Companies.

Bukod dito, ayon naman kay Sammy de Castro, consultant ng mga complainant, sa huling pagsusuri ay lumabas na mataas pa rin ang antas ng toxic waste na Venzin na maaaring maaring magdulot ng peligro sa kalusugan ng mga tao doon.

Plano na rin aniya ng mga complainant na makipag-usap sa mga lokal na opisyal ng dalawang nabanggit na siyudad para sa kaukulang aksyon.

Pinuna rin ni Capunan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dumalo rin sa Balita @ Media Forum na ginanap kahapon ng umaga (Oktiubre 5) sa Max’s Restaurant sa Quezon City Circle.

Ito ay dahil pinayagan umano ng DENR ang FPIC na magtapon ng kontamindong tubig na nakuha mula sa basement ng parking area ng naturang condominium sa mga drainage system at estero sa may Bangkal, Makati.

Inakusahan din ng mga complainant ang DENR offcials na pumapabor sa FPIC.

Sa hindi naman malamang dahilan ay hindi dumalo sa naturang media forum ang kinatawan ng FPIC na nauna nang nagpasabing pupunta. Robert C Ticzon

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply