Residente, rescuers sa Bulacan inalipunga sa baha

MAY fungal infections na ang ilan sa mga residente ng Bulacan sanhi ng matagal na pagkababad ng kanilang mga paa sa tubig-baha at kung hindi huhupa ang pagbaha ay malamang na hindi lang ito ang kanilang makuhang sakit.

Sa mga bayan ng Hagonoy at Calumpit sa Bulacan, hindi lamang ang mga residente kundi maging ang mga rescuer ay nagkaroon na rin ng athletes’ foot o alipunga.

Sa Hagonoy, napipilitan ang mga residente rito na maglakad sa baha kahit may presensiya ng patay na hayop, dumi ng tao at mga basura sa baha.

Dagdag pa ng ulat, na kahit ang pagbaha ay hanggang baywang pa sa ilang lugar, walang magawa ang mga residente kundi ang lumusong sa germ-infected flood water para maghanap ng makakain.

Sinabi rin ng mga residente ng Calumpit na kahit alam nila na ang tubig-baha ay marumi, ang kakulangan ng malinis na inuming tubig ang nagtutulak sa kanila para gamitin ito sa kanilang pagluluto at sa paglilinis ng katawan.

Kung hindi pa anila bababa ang tubig-baha sa mga susunod na araw, hindi lamang alipunga ang kanilang makukuhang sakit kundi iba pang karamdaman na tulad ng leptospirosis, diarrhea, ubo, trangkaso at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply