Rest day ng 2011 LBC Ronda Pilipinas

ISANG breakaway na pagsikad sa kalagitnaan ng Stage 8 ang nagbigay ng panalo sa 31-anyos na si Sherwin Diamsay ng Tarlac para panalunan ang 129.63-kilometrong kaskasan na nagtapos sa Vigan, Ilocos Sur mula sa San Fernando, La Union kahapon (Oktubre 4).

Inirehistro ni Diamsay ang oras na 2:54:06 na may kasamang P50,000 premyo sa pagkakapanalo sa 6 stage.

Napanatili ni Novo Ecijanong si Joel Calderon ang tangan sa Red Jersey na may 14 segundong abante kay George Oconer at sa pumapangatlong si Irish Valenzuela ng 7-Eleven bike team.

Nakapasok sa Top 10 cyclists si two-time tour champion Warren Davadilla nang maorasan siya ng 2:54:08 na pumangalawa sa lap stage kasunod ang kababayang si Tomas Martinez. Lumukso si Davadilla mula sa ika-13 posisyon sa number 10 na hinalinhinan si Lucien Lloyd Reynante.

Ang mga bumubuo sa Top 10 cyclists ay sina Calderon ng Nueva Ecija, George Oconer, Irish Valenzuela, Rudy Roque ng American Vinyl, Santy Barnachea ng Eastern Pangasinan, Arnel Quirimit ng Western Pangasinan, Alvin Benoza ng Bicol team, Baler Ravina ng Eastern Pangasinan, American Vinyl Skipper Cris Joven at Warren Davadilla.

Napatalsik ni Davadilla sa 10th position si Lloyd Lucien Reynante ng 7-Eleven team na nalaglag sa 11th position.
Nakapahinga ang mga siklista ngayong araw bago muling magbanatan sa 181.4 kilometers Vigan to Baguio City via Naguillian Road sa Biyernes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply