Restaurant delivery boy natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang isang restaurant delivery boy makaraang pagbabarilin ng hinihinalang holdaper kaninang umaga sa C-5 Road Taguig City.

Ang biktima na namatay bunga ng isang tama ng balas sa ulo ay kinilalang si Mauro Marcelino, 37 na naninirahan sa Waterpan Service Road ng nabanggit na lungsod.

Batay sa pahayag ni Dencio Marcelino, kapatid ng biktima, inutusan umano nila si Mauro para mag-withdraw ng halagang P90,000 sa bangko para gamitin sa pagpapagamot ng kanilang kapatid na may sakit.

Nabalitaan na lamang umano nila ang insidente sa pagkamatay ng kanilang kapatid bandang alas-8:30 ng umaga.

Natagapuan pa ng awtoridad ang nakabulagtang motorsiklo at isang baril na rebolber sa paanan ng biktima.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad kung panghoholdap ang motibo sa pamamasalang sa delivery boy at kung kanino ang baril na natapuan sa paanan ng nito. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply