Resulta sa imbestigasyon sa ’04 poll fraud ilalabas ngayong araw

POSIBLENG isumite na ngayong araw ng DOJ-COMELEC fact finding committee ang resulta ng pag-iimbestiga kaugnay ng naganap na dayaan sa eleksyon.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, tinatapos na ng kumite ang ulat na dapat sana ay noong Lunes o kahapon pa nailabas.

Bahagyang naantala ang pagpapalabas ng ulat ng fact finding committee bunsod na rin ng inihaing reklamo ni Senador Koko Pimentel laban kay dating Pangulong Arroyo at sa isinumiteng supplemental affidavit nitong Lunes ni dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol.

Kasama rin sa isusumite ng fact finding committee sa DOJ-COMELEC investigating panel ang mga record at transcription ng isinagawa nilang clarificatory questioning.

Idudulog din ng committee sa joint investigating panel ang reklamong inihain ni Pimentel laban kay Ginang Arroyo.

Nilinaw naman ni de Lima na partial report lamang ang maisusumite ng komite dahil tututok lamang ang kanilang ulat sa sinasabing naganap na dayaan noong 2007 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply