Revilla sa DPWH: Tiyaking climate change proof ang itatayong imprastraktura

IGINIIT ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyaking Climate Change-proof ang materyales at disensyong gagamitin sa rehabilitasyon o rekonstruksyon ng mga napinsalang imprastraktura sa bansa na idinulot ng mga bagyong Pedring at Quiel.

Ayon kay Revilla,  nararapat lang na gumamit ang DPWH ng mga bagong paraan sa pagtayo at pagkumpuni ng mga imprastraktura gaya ng tulay at flood control facilities para kayanin ang mga nakasisirang epekto ng  Climate Change.

Partikular na tinukoy nito ang breakwater sa Manila Bay at seawall sa kahabaan ng Roxas Boulevard na nawasak noong kasagsagan ng bagyong Pedring, gayundin ang tatlong piyeng lalim ng baha sa nabanggit na kalsada.

Binigyang diin ni Revilla na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang matinding tatamaan ng mapangwasak na epekto ng Climate Change kung kaya kailangang gawa sa high standard materials ang mga imprastraktura  upang kayanin ang biglaang pabago-bago ng panahon.

Iginiit pa ni Revilla na sulitin ang perang gagamitin para sa  konstrukyon ng Climate Change-resistant infrastructures.

Sa ilalim ng kanyang Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan (KAP) program, namahagi si Revilla ng relief goods sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Pedring.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply