RH Bill itutuloy talakayin sa 2012– Enrile

HINDI umano magkakaroon ng katuparan ang paghahangad ng ilang senador na mapagtibay ang Reproductive Health Bill ngayong taon dahil sa kakapusan ng panahon.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, posibleng sa Enero ng susunod na taon ipagpatuloy ang pagtalakay at debate tungkol sa kontrobersiyal na panukalang batas, dahil sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Nobyembre ay ang panukalang budget ang kanilang pagtutuunan ng pansin.

Giit ng senador, hindi dapat madaliin ang RH Bill dahil napakarami pang kuwestiyon dito na kailangang pag-aralang mabuti na gugugol ng mahabang panahon.

Aniya, dapat na masusing pag-aralan ang pangmatagalang epekto ng panukalang batas sa ating ekonomiya sakaling mapagtibay.

Ang Senado ay nakatakdang mag-adjourn sa bukas (Oktubre 14), pero ang sesyon ay hanggang ngayong araw na lamang at magbabalik sila sa Nobyembre 14 para paglamayan naman ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply