RH Bill kokontrahin ng rosaryo – CBCP

HINIMOK ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat ng mga diocese ng Simbahang Katolika sa buong bansa na dasalin ang rosaryo sa buong buwan ng Oktubre para ipakita ang kanilang pagtutol sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay CBCP President at Tandag Bishop Nereo Odchimar, ang panalangin pa rin ang pinakamabisang panlaban ng CBCP kontra sa naturang panukalang batas.

Nabatid na layunin ng pagdarasal ng rosaryo na patuloy na magabayan ang mga ‘pro-life lawmaker’ sa pagsagupa ng mga ito sa debate para tutulan ang RH bill.

“Let us remain united in prayer and action for human life and the family,” ani Odchimar, sa isang liham na ipinadala nito sa lahat ng miyembro ng CBCP, “that the other legislators, the undecided especially, realize more the social and more evils of the RH bill, and object its passage.”

Nauna rito, nakipagpulong ang CBCP Permanent Council kay Sen. Vicente Sotto III, isa sa mga kritiko ng RH Bill.

Ipinabatid ng senador sa mga opisyal ng CBCP ang estado ng RH Bill sa lehislatura at humiling din ng panalangin para sa kanilang krusada.

“But as we gather from news releases, these so-called delaying tactics are actually interventions that question, and thus expose, the defects of the RH bill, including the funding and entities that push for its passage,” ani Odchimar. “A number of undecided legislators in both chambers are now beginning to see the real negative orientation of the bill.”

Hiniling din naman ng CBCP na patuloy na dasalin sa lahat ng mga misa tuwing Linggo ang “Prayer of the Defense of Human Life” hanggang sa Nobyembre 20.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply