Rhian Ramos ayaw na ng showbiz boypren

KAMAKAILAN lamang ay ipinagdiwang ng magandang young actress na si Rhian Ramos ang kanyang ika-21 kaarawan. Kapiling ng young actress ang kanyang mga magulang at mga kapatid noong birthday niya mismo kung kaya labis-labis na lang ang kaligayahan sa kanyang puso.

Marami ring nakapuna na talagang nakapag-move on na siya sa masalimoot niyang love affair kay DJ Mo Twister at sa isang panayam ay aminado si Rhian na she’ happy being single pero hindi naman niya itinatanggi na she eventually goes out dating. Karamihan raw sa mga ini-entertain na manliligaw ngayon ng aktres ay mga non-show biz guy at umiiwas na raw siya sa mga showbiz guys.

Mariing sinabi rin niyang kung noon daw ay preference niya ay mga showbiz guys, ngayon daw ay hindi na siya particular kung ano man ang trabaho nito, mapa-showbiz o hindi.

Nakailang boypren na rin si Rhian na taga-showbiz at halos lahat yata ng nakarelasyon niya ay taga-showbiz. Say ni Rhian, ganun din daw kasi ang nangyayari, hindi naiintidihan ang kanyang trabaho. Kadalasan daw ay yung mga naging boypren niya ang nagseselos. Aminado si Rhian na mababaw lang siyang tao pag nagmahal. Buung-buo ang kanyang tiwala at kahit text lang ay ayos na sa kanya lalo pa nga’t pareho silang busy o hectic ang schedule. Wala rin daw siyang kaselos-selos sa katawan.

Sa ngayon ay katatapos lang niyang gawin ang 2 pelikula, ang “Panday 2” at ang “The Road.” Regular din siyang napanonood sa “Party Pilipinas” at sinisimulan na rin niya ang soap opera na pagsasamahan nilang muli ni Dingdong Dantes – ang “Sundo.” Una na silang nagsama sa “Stairway To Heaven”

***

WALANG lipatan na mangyayari. ‘Yan ang usap-usapan ngayon sa kampo ng Megastar na si Sharon Cuneta. Umugong kasi ang balitang lilipat na rin daw ng TV5 si Ate Shawie, kasabay halos ng ‘maingay’ na paglipat ni Mariel Rodriguez from ABS-CBN 2 to TV5 at nang lumabas ang balitang ito ay nasa ibang bansa ang Megastar for a series of shows. Pero ngayon naman ay nagbigay na ng pahayag ang kampo ni Megastar na wala raw nakikitang dahilan para lumipat ng istasyon si Ate Shawie at masaya raw ito sa bakuran ng Dos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply