Rice importer kinasuhan ng BIR sa DOJ

NAHAHARAP ngayon sa kasong kriminal ang isang rice importer makaraang tuluyan nang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang reklamo sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa umano’y hindi pagbabayad nito ng tamang buwis sa gobyerno.

Ang inireklamo ay kinilalang si Gerardo Caligner Teves, rice importer at may ari ng GT Trading na may tanggapan sa Intramuros, Maynila.

Sinasabing hindi umano nagdeklara ng tamang impormasyon si Teves kaugnay sa income tax return (ITR) at value-added tax (VAT) return niya para sa taxable year 2009 na isang paglabag sa Section 254 at Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997

Sa rekord ng BIR, si Teves ay maraming beses nagsagawa ng rice importation noong 2009 na may halagang P98.99 milyon ngunit hindi umano ito nagbayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Para sa taong 2009, si Teves ay may deficiency income tax assessment na P129.95 milyon at deficiency VAT na P6.12 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply