Ongpin di nakasipot sa Senate inquiry

DAHIL nasa ibang bansa, hindi nakarating sa pagdinig si dating Trade Minister Roberto Ongpin kaugnay sa imbestigasyon ng Senado sa P660-million behest loan sa Development Bank of the Philippines.

Ayon kay Atty. Alexander Poblador, abogado ni Ongpin, hindi nakadalo ang kanyang kliyente sa pagdinig dahil sa wala ito sa bansa simula pa noong Setyembre 23.

Binigyang-diin ni Poblabor na nakahanda namang humarap si Ongpin sa Senate inquiry sa kanyang pagbabalik sa darating na Oktubre 25.

Kaugnay nito magsasampa ng counter-suits laban sa pamunuan ng Development Bank of the Philippines (DBP) si Ongpin dahil sa pagdadawit sa kanya sa criminal complaint na may kinalaman sa anomalya sa pondo ng DBP na nagkakahalaga ng P660 milyon noong 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply