Rollback sa presyo ng langis ipinatupad na

IPINATUPAD na ngayon ng iba’t-ibang kompanya ng langis ang inaasam-asam na kaltas presyo sa produktong petrolyo.

Epektibo alas-12:01 ng madaling-araw nagtapyas ang Shell at SeaOil ng P1.20 sa kada litro ang kanilang regular gasoline habang P1 sa kada litro ng diesel at P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Kahalintulad ding bawas presyo ang ipinatupad ng Petron at Unioil kaninang alas-6:00 ng umaga.

Nagtapyas naman ng P1.30 ang Flying-V sa kada litro ng kanilang gasolina at P1 sa kada litro ng diesel simula kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.

Ang Eastern Petroleum naman ay nagpatupad din ng rollback na P1.20 sa presyo ng kanilang gasolina, P1 sa kada litro ng diesel, P1 sa kada litro ng kerosene at P0.80 sa kada litro ng regular gasolina simula alas-12:01 ng madaling-araw. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply