Roxas Boulevard isasara sa motorista

ISASARA bukas ang bahagi ng Roxas Boulevard upang bigyang daan ang huling bahagi ng Ronda Pilipinas 2011 cycling event.

Ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), isasara mula sa trapiko  ang kahabaan ng southbound lane ng Roxas Blvd. mula P. Burgos hanggang President Quirino Avenue.

Ito ay magsisimula dakong alas-11:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi para sa final leg ng naturang event.

Lahat naman ng mga sasakyan  mula sa northern part ng Manila/Pier Zone/ Anda Circle na planong dumaan sa Roxas Blvd., southbound ay kailangang  kumaliwa sa P. Burgos at kumanan ng Ma. Orosa at kakanan muli sa T.M. Kalaw at kumaliwa sa M.H. del Pilar patungo sa kanilang destinasyon upang makaiwas sa abala sa pagbiyahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply