Roxas kinuwestiyon sa rehabilitasyon ng MRT

KINUWESTYON ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pag-ako ng gobyerno sa gastusin ng rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT) na ipatutupad ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas.

Ayon kay Escudero, hindi dapat ang taumbayan ang pumasan sa gastos ng rehabilitasyon ng MRT dahil may pribadong korporasyon na nagmamay-ari ng nasabing transport system.

Aniya, sa kanyang pagkakatanda ay ginawa ang MRT sa ilalim ng Built-Operate-Transfer (BOT) scheme kung kaya hindi dapat ang gobyerno ang gumagastos sa rehabilitasyon nito.

“Kala ko BOT pa yan noon. Bakit national government magbabayad ng maintainance?” pag-uusisa ni Escudero.

Nauna rito ay inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P6.3 bilyon para sa rehabilitasyon ng MRT at Light Rail Transit (LRT).

Sinabi ni DBM Secretary Florencio Abad na gagamitin ang pera ang pagbili ng 26 karagdagang coaches na nagkakahalaga ng P4.5 bilyon samantalang P 1.87 bilyon naman para sa pagsasaayos ng LRT-1 at LRT-2.

Inamin din ni Abad na ito ang unang pagkakataon na isa-subsidize ng gobyerno ang rehabilitasyon ng MRT at LRT upang sa gayon ay maging episyente ang serbisyo nito sa mahigit isang milyong mananakay kada araw.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply