Rufa Mae Quinto wala raw relasyon kay Boy 2 Quizon! (Etching!)

NAKAUSAP din namin si Rufa Mae Quinto sa taping ng Bubble Gang. Isa si Rufa sa matagal nang artistang babae sa show. Kasama niya hanggang ngayon pa ay si Maureen Larrazabal.

Tunay na comedian kasi si Rufa kaya siya nagtagal sa gag show. Tulad niyang natural na comedian ang kailangan ng programa. Tunay na tunay siyang magpatawa, kaya nakatitik na sa mukha niya ang pagiging sexy comedian.

Anyway, sa interview namin sa kanya, nabanggit niyang hindi totoo na nagkaroon sila ng relasyon ng co-star niya sa Bubble Gang na si Boy 2 Quizon. Ang tunay na relasyon lang daw nila ay ang pagiging business partner.

Nakibahagi na si Rufa Mae sa Brown Sugar outfit ni Boy 2 na bale lima na silang financier ng production outfit na magpu-produce ng international movie, TV shows, concerts, commercials at promotion.

000

Venus Raj tatanggap ng ‘Woman of the Year’ award mula sa Gawad America

AALIS na naman si Venus Raj ng bansa dahil tatanggap siya ng award mula sa Gawad America, ang asosasyon ng mga Fil-Am sa USA na nagbibigay award sa mga pinagkakapuring Pinoy na gumawa ng pangalan sa daigdig.

Sa Nov. 5 gagawaran ng award si Venus sa isang venue sa Hollywood, California. Aalis siya ng Pinas sa Nov 3 at babalik agad sa Nov. 7. Di makatatagal sa America si Venus dahil may trabaho siyang naiwan dito sa Manila.

000

FEELING heaven ngayon ang grupong Wonder Gays dahil pagkatapos na mag-hit sa airwaves ang kanilang single na Blind Item, naging paborito na rin sila sa mga fiesta at sa mga bar sa buong Pilipinas.

May first major concert na silang gagawin sa Nov. 18 na may titulong May Nag-Tweet. Tungkol ang show sa mga kung anu-anong blind items na madalas subaybayan sa mga showbiz talk shows sa bansa.

Bukod pa rito, kakantahan nila ang mga bisitang hunk actor sa kanilang concert. Kabilang sa mga hunk actors ay sina Polo Ravales, Frank Garcia, Ahron Villena, Baron Geisler at Kris Lawrence. Siyempre, si Kris ay aawit din at kasama pa nila ang Mocha Girls.

000

TUMAGAL ang Bubble Gang ng 16 years sa ere dahil hindi nagbabago ang show sa pagbibigay ng tunay na comedy na walang halong kababawan. Ibig sabihin ay tunay na mga comedian ang nagpapatawa sa katauhan nina Michael V at Ogie Alcasid. Kaya ang kani- lang palabas tuwing Friday ay tunay na nakatatawa at iyong babantayan kahit gabi na ipinalalabas.

Ayon kay Michael V, dapat ang Bubble Gang ay gawin nang franchise show ng GMA 7 dahil sa tinagal-tagal ng manahong ipinalabas ito (16 years) ay hindi pinagsasawaan ng tao kahit marami nang umalis sa programang artista at pinalitan ng mga bagong sulpot na star. Maraming sikat na artista ang nanggaling sa Bubble Gang, pero andoon pa rin ang show at namamayagpag pa rin.

Tumagal ang show dahil sumusunod sa takbo ng panahon ang kanilang mga pagpapatawa. Puwedeng tungkol sa pulikita, showbiz, simpleng tao o mga hit na commercials sa telebisyon.

Ani Uro dela Cruz, ang director ng Bubble Gang: “Kinukonsider ko ang Bubble Gang na isang vintage wine. Habang tumatagal ay lalong sumasarap.”

Sa Friday, may hinanda ang BG ng kanilang 16th anniversary presentation na naiiba dahil may MTV silang ipalalabas sa bawat portion ng show. Ang isa sa portion ay mismong si Michael V ang nag-direk. Yung ibang portion ay nag-import pa sila ng MTV director para lalong mapaganda.

Dalawang magkasunod na Friday ipalalabas ang anniversary special ng Bubble Gang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply