Ruffa kinumpirmang ininsulto at minura ni Shaina Magdayao

ITNANGGI man ni Ruffa Gutierrez na wala siyang ginawa para maging dahilan ng away nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, inamin naman nitong ininsulto at minura siya ng aktres sa pamamagitan ng text.

Si Ruffa rin ang sinasabing dahilan ng pagkakahiwalay ng magkasintahan at nagsimula raw ito sa birthday concert ni Vina Morales na kaibigan ni Ruffa.

Nilinaw ngayon ni Gutierrez na hindi sila nagkausap ng aktor sa birthday ni Vina kung saan kasama niya ang mga magulang na sina Anabelle at Eddie Gutierrez.

May pinagdadaanan na aniya ang relasyon nina John Lloyd at Shaina at katunayan, si Shaina raw ang nagsimula ng lahat.

Kuwento ni Ruffa, tinext siya ni Shaina gamit ang private number ng aktor at sinabihan na “Leave us alone.”

Nagtaka raw siya at nang masalubong ang pamilya ni John Lloyd sa concert ay isinumbong ito.

Ayon pa sa dating beauty queen, ininsulto siya ni Shaina at minura sa mga text messages nito.

Napag-alaman na sa kaniyang Twitter ay sunod-sunod din ang naging pasaring ni Ruffa na may pinatatamaang insecure umano na babae.

Dagdag pa ng TV host-actress, hindi nga raw sana siya pupunta sa concert dahil may sakit siya ngunit pinilit ng ina kaya kasunod ng nangyari ay sinisi raw niya si Anabelle.

Pero tumawag daw sa kaniya ang aktor at humingi ng paumanhin at sinabi raw ni John Lloyd na hindi siya dapat nadamay sa problema.

Ayon kay Ruffa, ang pagtawag ni John Lloyd at paghingi ng paumanhin ay patunay lang na wala siyang ginawang mali.

Pagdidiin pa ni Gutierrez, matagal na siyang naka-move on at nagkaroon na ng closure ang relasyon nila ni John Lloyd noon kaya wala raw dapat ikabahala.

Samantala, inihayag ni Ruffa na hindi na nila ito pinag-usapan ni Vina dahil ayaw din niyang maging awkward sila sa isa’t-isa.

Nananatili raw ang pagkakaibigan nila ng kapatid ni Shaina Magdayao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply