Rumatrat sa 3 binatilyo, bilang na ang araw

BILANG na ang araw ng mga pumatay sa tatlong binatilyo sa Pangasinan nitong Biyernes dahil tukoy na ng pulisya kung sino ang nagkasa ng pang-aambus, ayon sa pahayag kaninang umaga ng pulisya.

Ayon kay deputy chief of police Insp. Rodolfo Olinda ng Balungao PNP, nakausap na nila ang isang nakaligtas ng biktima na si Ariel Subrenilla pero hindi muna idinetalye ang mga pangalan ng mga suspek dahil baka makasira sa ikakasa nilang pagtugis.

Nalaman din ni Olinda na nadamay lamang ang mga biktimang sina Paul Bryan Villarpa, Bryan Luna at Mike Sapiil sa naturang pamamaril dahil ang tunay na target ng mga suspek ay ang tatay ng isa sa kanila.

Ang motibo o dahilan sa pamamaril ay matandang alitan.

Matatandaanag nagmula sa isang lamay sa Barangay San Raymundo ang magkakabarkada at ang tatay ng isa sa kanila nang paulan ng mga suspek ng M14 M16 rifles at carbine habang naglalakad sa Interior Street sa Barangay San Miguel.

Agad namatay sina Villarpa, Luna at Sapiil habang nakatakbo naman si Subrebilla.

Napag-alamang may mga kabahayan din sa pinangyarihan ng insidente pero mangilan-ngilan lamang ito at magkakahiwalay pa.

Mayroon umanong mga nakarinig na putok na mga residente subalit dahil sa takot ay hindi nag-abalang makiusyuso at ini-report na lamang ang insidente sa kapulisan.

Tiniyak naman ni Olinda na sa lalong madaling panahon ay dadakpin nila ang mga suspek para maisampa agad ang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply