Birthday lola sinalpok ng motorsiklo, tepok

MAKARAAN ang masayang selebrasyon ng kanyang kaarawan, isang 51-anyos na ginang ang nasawi nang salpukin ito ng rumaragasang motorsiklo sa harap mismo ng kanilang bahay kagabi, Oktubre 30 sa Poblacion, Numancia, Aklan.

Dakong alas-9:15 nang mangyari ang insidente habang hinahatid na ng biktima ang kanyang mga bisita sa labas.

Nagawa pang madala sa pribadong ospital si Lilibeth Alindato, misis ng municipal engineer ng Numancia, ngunit idineklara itong patay makaraan ang dalawang oras.

Nabatid na matapos maihatid ang kanyang mga bisita sa labas ng kanilang bahay ay bigla na lamang itong sinalpok ng motorsiklo na minamaneho ni Kenneth Magwad, 22, ng Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, na nagkataong kaarawan naman niya ngayong araw, Oktubre 31.

Agad namang sumuko ang suspek sa Numancia PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply