Sa birthday ni Direk Maryo J. nagkasama-sama ang mga veteran at baguhang artista

NAG-ADVANCE birthday party si Direk Maryo J. delos Reyes sa Pepetone Grill last Saturday night, Oct. 15. Dapat ngayong Oct. 17 pa ang kanyang natal day pero pinili niyang i-advance dahil na rin sa trabaho niya bilang director ng “Munting Heredera” ng GMA-7. Ang taping nito ay Monday-Wednesday-Friday at pagdating sa trabaho ay walang makapipigil kay Direk  Maryo J dahil well-organized ang schedule niya.

Ganyan kamahal ni direk ang programang Munting Heredera dahil nagkaroon ng good reviews ang show at consistent na No. 1 sa ratings game. To be honest, extended pa ang programa until January 2012.

Very nostalgic ang party dahil pinagsama-sama ang old and new friends ni direk Maryo J. Marami kaming nakitang bagong friends ni Direk sa showbiz. Yung iba ngang mga invited ay di ko na makilala. Pero, very close silang lahat kay direk dahil alam naming mga close friends lang niya sa showbiz ang kanyang invited.

Katatapos lang ng misa nang dumating kami sa venue at kumakain na ang celebrant kasama ang casts ng Munting Heredera na headed by Gloria Romero, Boots Anson Roa, Robert Arevalo, Ynez Veneracion, Luz Valdez at iba pa.

Wala pa sina Mark Anthony Fernandez at Camille Prats nang dumating kami at hanggang umalis ng 10:00 p.m.

Bongga ang party ni direk. Buong restaurant ay occupied ng party. Napasok namin ang disco room at doon namin nakitang sumasayaw si Direk Maryo J kasama sina Luz at Gloria.

Habang gumagabi ay dumarating ang mga guests. Nagpi-perform naman ang lahat ng talents ng Studio 5 ni Direk Maryo J at Jake Tordesillas at kabilang sa nakita namin ang grupong Masculados at One Problem at 7 Solutions.

000

DAHIL wala pang bagong soap si Kylie Padilla ngayon kundi ang pagpasok niya sa Tween Hearts bilang love interest ni Derrick Monasterio busy siya ngayon sa personal appearances. Last Friday, sina Kylie at Ella  Guevarra, oh, yes ang dating child star ng GMA-7, na ngayo’y dalaginding na, ang naimbitahan para sa ribbon cutting ng bagong bukas na Ice Scating sa second floor,(near foodcourt) ng SM South Mall sa Las Pinas City.

Kaya napasama sina Kylie at Ella sa mga celebrities sa ribbon cutting ay dahil pareho silang mahilig sa ice skating, lalo na si Kylie na laking Australia. May lugar kasi roon ng ice skating kapag winter.

Si Ella naman, bata pa ay mahilig nang mag-ice skating sa SM Megamall at SM MOA noon pa man. Parehong athletic kasi sila kaya mahilig sa skating.

SAMANTALA, kahit love team na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa movie na Mr. Wong at natitsismis na may namumuong sweetness sa dalawa, pareho naman silang dalawa ni Aljur na nagsasabing close friends lang kuno silang dalawa. Although sa ngayon, puedeng dumalaw na si Aljur sa bahay nina Kylie at puedeng lumabas silang dalawa para mag-date as long as may chaperon.

Nang nakausap namin si Kylie, nasabi niyang hanggang pagkain lang sa labas ang ginagawa nila ni Aljur dahil mahigpit si Papa Robin Padilla. Pero malaki naman daw ang tiwala ni Robin kay Aljur kaya ganoon na ka-close ang pamilya ng aktor kay Aljur ngayon.

Bale first si Aljur na actor na napalapit kay Kylie na tipong tanggap ni Robin.

Malapit na nga palang mapanood muli ang character ng young actress sa Tween Hearts bilang love team ni Derrick Monasterio.

Sa kwento, si Kylie ay nawala sa lugar na tinitirahan nila dahil nag-migrate ang pamilya sa America.

Ngayon ay magbabalik-bayan na si Kylie. Muli namang maguguluhan ang isip ni Derrick sa istorya. Ang isip niya habang wala si Kylie ay nabaling kay Bea Binene, di naman puwede dahil may Jake Vargas na ito sa flow ng istorya.

000

TAPOS na pala ang kontrata ni Hero Magalona sa Olice C ng Psamstre Enterprise ayon sa President na si Jaime Acosta. After two year search, magkakaroon next year ng bagong Mr. and Ms. Olive C Campus Model. Kasalukuyan ngayong nagkakaroon ng search sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Katatapos lang sa Davao City at Cebu City at nauna nang nagkaroon ng search sa southern Luzon na ginanap sa Tatay, Rizal.

Samantala, nasabi ni Hero sa set ng “Iglot” na masaya siya at naging Mr. Olive C dahil sa nagbigay daan ito sa kanya para mapansin ng GMA-7 at ng Regal Films. Kasama si Hero sa “Dead na Dead sa Iyo” bilang partner ni Kiray.

Sa ngayon ay may network contract si Hero sa GMA-7 kaya kasama siya sa Tween Hearts at Iglot.

Naguguluhan si Hero ngayon sa dalawang leading ladies niyang sina Lexi Fernandez at Kim Komatsu. Si Lexi sa Iglot at si Kim sa Tween Hearts.

Ani Hero: “Pareho kong crush ang dalawa. Hanggang ganoon lang naman dahil mga bata pa kami.”

000

NANG nakausap namin si Michael V sa taping ng Bubble Gang recently, nasabi ng comedian na very proud siya sa kanyang pet program ngayong Pepito Manaloto na hindi niya akalaing papasok na sa ikalawang taon ang show sa February dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao.

Dahil ilawang taon na nila, gusto niyang magkaroon ng pagbabago sa show. Kaya abangan natin ito next year, ang first reality comedy show ng GMA-7.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply