Sahod ng mga empleyado ng QC gov’t tataas na

HANDA na ang lokal na pamahalaan na igawad ang salary standardization scheme o pagtaas ng pasahod para sa Quezon City government workers.

Sa bisperas ng selebrasyon ng Q.C. 72nd founding anniversary, tiniyak ni Mayor Herbert Bautista sa mahigit 5,000 regular na empleyado ng city hall na may sapat na pondo para sa salary standardization law.

Ayon kay Bautista, kailangan na may P388 milyon ang lungsod para maimplementa ang bagong round of salary adjustment, na ipatutupad sa Enero 1, 2012.

Mandato ng Executive Order 811, ang salary rates para sa local government personnel at idedetermina ng sanggunian o ng city council, base sa income class at financial capability pero ang salary rates ay hindi dapat lalampas sa personal services cost limitation sa local government budgets.

Inilarawan ni Bautista ang paggawad sa pagtataas sa sahod para tulungan ang city hall employees para makaagapay sa araw-araw na gastugin.

Inihayag din ni Bautista na ang pagtataas sa sahod ng mga empleyado ay sakop ng kontrata ng serbisyo.

Aminado naman si Bautista na dumaan sila sa strenuous exercise para makuha ang kanilang budget upang ma-accommodate ang lahat ng kanilang “development needs.”

Ang lungsod ay may 5,305 permanent employees ay 5,786 contractual personnel at consultants.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply