Sahod ng pre-school teachers sa Maguindanao Division 1 ibibigay na

MATATANGGAP na ng mahigit 700 pre-school teachers ang kanilang sahod para sa apat na buwan simula ngayong araw pagkaraang kanilang inireklamo ang hindi pagtanggap ng kanilang sweldo simula noong pagbukas ng klase.

Ipinaliwanag ni Maguindanao Division 1 Schools Supt. Bai Meriam Kawit na nadiskubreng may mga maling entry sa mga papeles kabilang ang kontrata ng mga pre-school teachers na hindi napansin bago isinisumite ang mga ito sa DepEd-Manila.

“Nagpulong na kami at ipinaliwanag ko sa kanila ang dahilan at naintindihan naman nila na dahil sa hindi maayos ang information sa kanilang papeles at kontrata na forwarded to DepEd-Manila, ibinabalik ang mga ito para ayusin,” ayon kay Kawit.

Tiniyak ni Kawit sa mga apektadong guro na may kaukulang pondo ang DepEd naklaan sa pre-school teachers at kanilang matatanggap ang kanilang apat na buwang sahod sa lalong madaling panahon.

Ang pre-school teacher at may buwanang sahod na P6,000 bawat isa at P1,500 para sa teacher aide, ayon kay Kawit. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply