Sakit ni GMA madaling gamutin

MADALING gamutin ang sakit na hypo-parathyroidism ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Ito ang pahayag ng endocrinologist na si Dr. Hernan Delizo.

Ayon kay de Lizo, namamana ang nasabing sakit at posibleng makuha rin ito sa operasyon ng ulo at leeg tulad ng nangyari kay CGMA.

Aniya, hindi na kinakailangan pa ni Ginang Arroyo na magpagamot ng ibang bansa dahil Calcium at Vitamin D lamang ang lunas dito.

Una rito, inaprubahan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang tatlong passes ng travel order ni dating Pangulong Arroyo hinggil sa kanyang pagpapagamot nito sa kanyang bagong sakit sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply