San Beda inangkin ang unang puwesto

INANGKIN ng San Beda College Red Lions ang top spot subalit hindi pa natatapos ang giyera sa 87th NCAA seniors basketball competition.

Misyon ng defending champion Red Lions ang panatilihin ang pagiging no.1 tuwing matatapos ang eliminations round at natupad ito ng talunin nila sa playoff para sa top seeding ang San Sebastian College Stags, 88-85, kahapon (Oktubre 14) sa The Arena sa San Juan.

“For the fifth time on my watch we ended the eliminations as the top seed. That’s good for us and that’s good for the Bedan community,” wika ni SBC head coach Frankie Lim.

Sa Lunes (Oktubre 17), mag-uumpisa ang semifinals na gaganapin sa nasabi ring venue kung saan makakaharap ng Red Lions ang fourth seed na Jose Rizal University Heavy Bombers sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang mapapasabak ang SSC sa third seed na Letran Knights sa alas-4:00 ng hapon.

Ibinigay sa Red Lions at Stags ang twice-to-beat incentives dahil sa pagiging no. 1 at no. 2 sa Final Four.

Angat ng isang puntos ang Stags 85-84 may 23 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro kung saan ay tumawag ng timeout si Lim.

Pagbalik ng Red Lions sa hard court ay sinandalan nila si Garvo Lanete para sa huling play.

Gumamit ng screen si Lanete upang iwan ang nagbabantay sa kanyang si Anthony Del Rio at ibuslo ang krusyal na three-pointer.

“Another big night for Garvo Lanete.” patungkol ni Lim sa kanyang pambato na tumikada ng 27 puntos. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply