San Beda nakasiguro ng twice-to-beat edge

SINIGURO ng defending champion San Beda Red Lions na makuha ang playoff bonus  matapos talunin ang matagal na nilang suki na Letran Knights, 84-68, kahapon (Oktubre 7) sa 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Subalit hindi pa rin kuntento si Red Lions head coach Frankie Lim dahil gusto pa rin nito na mag no. 1 matapos ang eliminations.

“The pressure is out and now we want to be no. 1 in the end of the eliminations,” wika ni Lim.

Hawak ng SBC ang 15-2 win-loss card habang isang laro ang lamang sa kanila ng kasalukuyang no. 1 sa team standings na San Sebastian College Stags, (16-1). Maghaharap sila sa kanilang huling laro na gaganapin sa Miyerkules (Oktubre 12).

Bagama’t selyado na sa SBC at SSC ang twice-to-beat advantage pipilit pa rin ng panalo ang una upang makapuwersa ng playoff para sa no. 1 puwesto.

Muling nangalabaw si two-time ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week Garvo Lanete ng 28 points, five rebounds at two assists upang pangunahan ang Red Lions laban sa Knights.

Nanatiling nasa tersero puwesto ang Letran (14-4) habang nasa fourth spot ang Jose Rizal University Heavy Bombers na may 8-9 baraha.

Sa juniors, isang panalo na lang at makukumpleto na ang 18-game elims sweep ang back-to-back champion Red Cubs matapos tambakan ang Squires (13-4), 88-63, habang nilamog ng CSB-La Salle Greenhills Junior Blazers ang Brigadiers (11-6), 84-67. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply