‘Sana ma-promote na rin ako’ – Senator Lapid

“BUTI pa si Pacquio Lt. Col. na, ako major pa rin.”

Ito ang pabirong sinabi ni Senador Manuel “Lito” Lapid makaraang ihayag ng Philippine Army Reservist ang promosyon ni Congressman Manny Pacquiao.

Ani Lapid, reservist din siya kaya lang major pa rin ang ranggo.

Binati rin ni Lapid si Pacquiao sa biglaang pagtaas ng ranggo nito mula Technical Sergeant na tumalon bilang Lt. Col.

Ayon kay Lapid, wala naman siyang nakikitang masama sa sistema ng pagtataas ng ranggo na pambihirang nangyayari sa Sandatahang Lakas ng bansa.

Subalit, anang senador, hanggang ngayon ay major pa rin siya sa Army kung saan ay hiniling niya na ma-promote na rin sana.

“Ako ang tagal-tagal ko nang major mabuti pa sya Lt. Col na , sana ma-promote na rin ako,” diin ni Lapid.

Magugunita na inulan ng batikos ang biglaang pagtaas ng ranggo ni Pacquiao na limang ranggo ang tinalon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply