Sanggol utas, 3 sugatan sa panloloob sa North Cotabato

INIULAT ngayon ng awtoridad na isa ang napatay at tatlo ang sugatan nang looban ng mga di pa nakikilalang armadong salarin ang bahay ng pamilya Mamaluba dakong alas-12 kaninang hatinggabi sa bayan ng Pigkawayan, North Cotabato.

Sa imbestigasyon ng Pigkawayan Philippine National Police (PNP) lumalabas na pagnanakaw ang motibo sa nasabing krimen.

Ayon kay Police Insp. Donald Cabigas Chief of Police ng Pigkawayan PNP, kinuha ng mga salarin ang nakatagong pera ng mga biktima na nagkakahala ng P6,000 at ang kwintas na nagkakahalaga ng P20,000.

Mahimbing na natutulog ang pamilya sa nabanggit na lugar nang pasukin ng mga hindi pa kilalang salarin ang pamamahay ng mga pamilya Mamaluba at walang sabi-sabing pinaghahampas ang mga biktima ng bakal.

Isang tatlong-buwan na sanggol ang namatay sa naturang insidente, habang patuloy naman nagpapagaling ng kanilang sugat ang mga magulang nito sa isang pagamutan sa lungsod na kinilalang sina Norman at Faisah Ogis.

Sinabi pa ni Insp. Cabigas na may natumbok na silang suspek ngunit nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa naturang krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply