Sanglaan sa QC nilooban, P2.2M natangay

TINATAYANG aabot sa P2.2 milyon halaga ng alahas at pera ang natangay ng mga hinihinalang miyembro ng “acetylene gang” makaraang looban ang isang pawnshop sa Quezon City kaninang umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan dakong 8:00 ng umaga nang madiskubre ang panloloob sa Emmanuel Pawnshop sa Villongco St.,Baranagay Commonwealth, Q.C. kanina.

Sinabi ni SPO1 Daniel Jose, napasok at nakalabas ng sanglaan ang mga suspek sa pamamagitan ng paghukay ng lagusan mula sa kanal malapit sa sanglaan at gumamit ng acetylene ang mga ito upang mabuksan ang vault ng naturang establisimiyento.

Nadiskubre lamang ang pagnanakaw sa naturang pawnshop matapos magbukas ang naturang sanglaan at pumasok ang teller/cashier na si Rosalia Luzana kaninang umaga.

Hinihinala ng pulisya na isinagawa ang panloloob sa naturang pawnshop nitong nakalipas na Sabado (Oktubre 22) at Linggo (Oktubre 24).

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga operatiba ng QC police para madakip ang mga responsable sa naturang nakawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply