Sanitasyon, sakit problema ng evacuees

SAKIT ng ulo ngayon ng mga residente ng lalawigan ng Bulacan ang problema sa sanitasyon at water-borne diseases sanhi ng mga pagbaha na dulot ng bagyong Pedring nitong nakaraang linggo.

Sa Calumpit town, isa sa mga pinaka-tinamaang lugar, namahay ang mga inilikas sa Calumpit National High School na nagtitiis sa overcrowding at kakakulangan ng maayos na sanitasyon.

“Ang CR (comfortroom) dito talagang pag pumasok ka wala kang magagamit, kulang na kulang ang CR dito. Hindi ka makadumi dahil sa dami ng tao. Siksikan, tatlo lang ang CR dito. May tubig man, walang tubig sa loob, kukuha ka ng tubig sa labas,” pahayag ng isang babaeng evacuee.

Karamihan sa mga evacuee kabilang na ang mga kabataan ay mayroong lagnat at sipon.

Bukod pa aniya rito, natatakot ang maraming evacuee na magkaroon ng dengue dahil maraming lamok ang nakikitang nagliliparan sa paligid ng evacuation center.

Pinoproblema rin aniya ang kakaulangan ng pagkain sapagkat ang mga pami-pamilya rito ay walang magamit na panluto ng kanilang pagkain.

Lumikas ang maramig pamilya sa Bulacan sanhi ng pagbaha nitong nakaraang linggo dahil sa bagyo.

Gayunman, marami ring pamilya ang naipit at nanatiling nasa bubungan ng kanilang mga bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply