Sapat ang suplay ng bigas sa bansa – Alcala

MARIING ipinahayag ngayon ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na walang dahilan upang tumaas ang presyo ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Alcala na sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng naging pananalasa ng bagyong “Pedring” at “Quiel” sa Northern at Central Luzon.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Alcala ang publiko na huwag mag-aatubiling isumbong sa mga kinauukulan ang mga mapagsamantalang negosyante ng bigas na nagtaas ng kanilang presyo.

Iginiit pa ni Alcala na may sapat pa umanong panahon ang mga magsasaka na makabawi matapos ang mga nagdaang kalamidad.

Sinabi pa ni Alcala na sa dalawang susunod na linggo ay maaari nang makapagsimula ang mga magsasaka sa kanilang mga pagtatanim ng palay upang mapunan ang suplay ng bigas sa bansa para sa susunod na taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply