Apo itinurong killer ng ex-VM sa Sarangani

MAHIGIT isang oras matapos ang pagpatay kay Sawab Pangolima, dating vice mayor ng Maasim, Sarangani province kaagad ding nahuli ang suspek na nakilalang si Dagul Salem.

Naabutan umano si Salem ng mga pulis sa Amsipit sa bulubunduking bahagi ng Maasim.

Ayon kay C/Insp. Lorebe Rojo, nalaman nila na apo pala ng dating bise alkalde  ang bumaril sa biktima.

Ani kay Sawal Sala, pamangkin ng biktima, tumawag sa kanila ang mga pulis matapos mahuli ang salarin.

Hindi pa matukoy kung ano ang motibo ng pagbaril kay Pangolima subalit lumalabas ang impormasyon na redo o away ng pamilya ang kabilang sa pinag-ugatan.

Natakda namang ilibing sa paniniwalang Islam ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply