Sariling imbakan ng tubig isusulong sa condos, subdivisions

PLANO ng Department of Public Works and Highways na gawing mandatory sa mga developer ng mga subdivision at condominiums ang pagtatayo ng sariling mga “retarding basins” (sariling imabakan ng tubig) sa hinaharap upang maibsan ang lumalalang suliranin sa pagbaha.

Bilang “water czar” na itinalaga ng Pangulong Benigno Aquino, ang pangunahing gawain ni Public Works Secretary Rogelio Singson ay ang pangangasiwa sa Integrated Water Resource Management ng bansa. Ito ang nakikitang paraan ni Singson upang maresolba ang tamang paghawak ng mga katubigan na dumadaloy sa mga bundok, ilog, estero hanggang lumabas sa mga baybayin.

Sinabi ni Singson sa isang pulong ngayong araw, na ang mga estero ay hindi dinisenyo para sa mga nagsusulputang subdivision at condominium. Aniya, ang pagsulpot ng mga proyekto ng mga developer ay dagdag sa hinahawakang “sewage” ng dati nang mga daluyan.

Dahil dito, pupulungin ni Singson ang mga lokal na pamahalaan, ang Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) at mga property developer upang pag-usapan ang kanyang panukalang pagtatayo ng sariling imbakan ng sewage ang mga developer upang makontrol ang daloy ng mga tubig na galing sa kanilang mga lugar patungo sa mga maliliit na estero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply