Savings sa badyet, gamitin sa kalamidad

HINAMON ngayon ni Senate Committee on Public Works Chairman Ramon Bong Revilla, Jr. si Pangulong Benigno Aquino III na agad na ilabas ang lahat ng available na pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na grabeng naapektuhan ng bagyong Pedring at Quiel.

Ayon kay Bong Revilla, matinding destruksyon ang dinulot ng dalawang bagyo, partikular sa Northern Luzon and Central Luzon kung saan ang agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente.  Aniya pa,  bilang isang agrikultural na bansa, dapat na agarang ilabas ng gobyerno ang lahat ng accessible funds nito para sa tuluyang pag-ahon ng mga nasalantang lugar kung ayaw nating maapektuhan ang pambansang ekonomiya.

Binigyang-diin ng senador na dapat gamitin ng gobyerno ang lahat ng cash-on-hand nito upang magsagawa ng pangmatagalang hakbang upang maibsan ang kalagayan ng mga nasalantang pamilya at ma-rehabilitate ang mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity. Aniya, ang pondo ay maaring kunin sa savings ng mga government agencies, kinita sa Toll fee at sa iba pang VAT collections.

May sobrang P10 bilyon. Marami pang ibang puwedeng pagkukunan ng pondo kung gugustuhin natin, ” wika niya.

Pinunto ng mambabatas na matapos ang inisyal at agaran tulong gaya ng search and rescue operations at relief efforts, kailangang magsagawa ng hakbang ang pamahalaan na may pangmatagalang pakinabang sa mga calamity victims.

“Hindi natin dapat tipirin ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong.  Political will ang kailangan para higit silang matulungan at tuluyan silang makabangon sa pighating kinahaharap nila ngayon.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply